balloon sanctuary*

as the name suggest... this is a sanctuary of his views, thoughts, ideas, frustrations, fantasies and dreams encapsulated in a balloon-like tissue floating within the skull...

21 October 2004

hopeless romantic...yeah! that's me...

Dami akong tula ngaun na puro tagalog... hehe... i feel hopeless now, and that might be the products of sleepless nights, dreams, caffeine and yes! miss chi'may... you may find this stuffs too mushy and corny and so baryotic... think what you want to think... i don't really give a damn...

ito muna:

Nakatakda na sana ang ating pagkikita
Ayos na sa aking pagaakala
Handa na sanang harapin ang hirap na maaaring madama
At alamin ang kapalaran sa iyong mga mata

Pinaghandaan nga ang araw na ito
Hindi man sa engrandeng paraan
Libong bagay isinakripisyo naman
Na naisip kong mas higit pa sa katangahang ito

Minasdan kita at nakinig
Naamoy at nadama ang lamig ng paligid
Hindi ko inasahang lumayo ka pa
Ngunit nangyari na at wala na

Hindi ko maiwasang magtanong
Alamin ang tunay mong pakay at layon
Ngunit sa paghahanap ng sagot
Mga tanong - naragdagan lang lalo

Mas mahirap pa palang nakikita kita
Nagulat ako at bigla na lamang nag-iba
Nainis ako ngunit ayos lang
Walang sinuman ngayon ang makakahadlang

Ito ang parating sigaw
Ng isang taong uhaw na uhaw
Sa pag-tingin mo at pag-ibig
Ikaw lamang at wala nang iba pang iniisip...



ito pa isa:

Ano bang meron sa'yo
Kahit nakatangang kasama ka'y
Hindi pa rin magawang lumayo
Kahit walang buti'y
Sige pa rin ako

Ano bang meron ka?
Ano itong iniisip?
Larawan mo ang nakikita
Kahit mata'y nakapikit
Katoto, ito pa ba'y tama?


Ano bang meron sa'yo?
Itong nasa sintido ko'y
Alisin mo
Wag' lamang ilayo
Sa akin lang ay itago.

Ano bang meron ka?
Sing' liit ng karayom
Aking pag-asa
Takbo ng oras
Kontrolado mo pala

Ano mang meron ka,
Sakit sa ulo lamang ang dala
Masakit man sa dibdib
Ito pa rin ang aking ibig
Kahit sino nama'y ako'y isagip!


ito talaga:

Gusto kong sabihin ngayon na
Natatakot lang ako sa kanya
At ayokong isipin niya

Na mababaw lang ang nadarama

Tatlo ang aking pagkakabilang
Ng beses na ginawa ang kahangalan
Sa aking pagkakatanda
Ako'y lubhang nasaktan

Matagal ring itinigil
Ang mga ganitong pagiisip
Huli kong naaalala
Ay ang una kong pag-ibig

Ang tanging iniisip
Ikaw na aking laging panaginip
Wala ng iba pang iibigin
Kung hindi ikaw binibini.


current song: b.mcknight - anytime
glasses of milk: 4
i feel: like a dumbass!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home