balloon sanctuary*

as the name suggest... this is a sanctuary of his views, thoughts, ideas, frustrations, fantasies and dreams encapsulated in a balloon-like tissue floating within the skull...

28 September 2005

period.

marami na "ulit" ang nag-bago, marami na "naman" ang nangyari, at sa sobrang dami, hindi ko na nagawang isulat. sana ito na ang huli... sana ito na ang huling "pinakamalaking pagbabago sa buhay ko", medyo sawa na 'ko... pero ngayon masaya ako... kahit pa may mga kahilingan akong natupad na sa huli eh pinagtawanan ko lang yung sarili ko kung bakit ako humingi ng ganun... masaya ako kahit malungkot... tahimik na ang buhay ko kahit maingay ang paligid... basta ang mahalaga, masaya ako... astig, kasi walang dahilan... bumagsak man ako, wala akong dapat sisihin... madapa man ako, matatawa na lang ako... sana ngayon, totoo na... pero hindi ako aasa, matutuwa na lang ako kung anong meron... sana eto na ung huling pagkakataon na magiging makasarili ako... ayoko ng lokohin ang sarili ko, ayoko ng magkunwari, ayoko ng mangatwiran, ayoko ng magreklamo, masaya na ako kung anong meron ako, mas sasaya na lang ako kapag may dumagdag pa, problema man o swerte... at yun ang mahalaga... ayoko muna mag-isip... kung anong nandyan, yun muna ang unahin... pwede namang "background" lang ang "future"... may pangarap naman ako... at kabisado ko na... di ko na kailangang mangarap araw-araw... basta nandyan lang yan... sasakmalin lang ako kung kelan handa na ko... ang paalala lang nya sakin eh mag-enjoy ako... ngayon handa na kong kalimutan ka, hindi ako nalulungkot, ayoko na sa'yo! pero salamat sa mga tinuro mo... marami yun... hindi kita kakalimutan, itatago lang kita... gagamitin lang kita pag kailangan ko na... hindi ka pwedeng magreklamo, swerte ka pa nga... pero simula ngayon, wala ka nang kinalaman sa kung ano man ang pwedeng mangyari sakin, inaalisan na kita ng karapatan... tulad ng ibang nabasa kong libro, isang kabanata ka lang, di ko man maalala yung mismong mga salitang nasa loob mo, naaalala ko pa rin ang kwento mo, mga tinuro mo... dito sa blog na ito ka matatapos, isang kabanata ng buhay ko... pero siyempre kung may matatapos, may magsisimula rin... abangan nyo na lang...